Senado bigong pagtibayin ang VFA sa pagitan ng PHL, Australia

BIGO ang Senado na pagtibayin ang Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Australia matapos tutulan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Gayunman, inadopt sa second reading ang resolution at napagkasunduan ng mga senador na pag-uusapan ito sa pagbabalik ng session sa susunod na buwan.

Pitong senador ang tumututol sa kasunduan pang-militar ng Pilipinas at Australia kabilang na dito si Santiago, at Senador Manny Villar, Koko Pimentel, Ralph Recto, Joker Arroyo, Serge Osmena at Bongbong Marcos.

Nakabinbin naman dito sa Senado ang kontrobersiyal na RH Bill na kahapon lamang ay tinapos na ang debate sa plenaryo at nasa period of amendments na ang panukala.

Samantala, tatlong mahahalagang panukalang batas ang pinagtibay ng Senado sa huling araw ng session para sa kanilang sine die adjournment.

Katunayan dalawa dito ang isinalang na sa ratification na kinabibilangan ng  Senate Bill 3009 o ang Anti-Money Laundering Act (AMLA) amendments at Senate Bill 2965 o Data Privacy Act. Lusot na rin sa 3rd and final reading ang Senate Bill  3127 o mas kilala bilang Terrorism Financing Prevention and Suppression  Act.

Ang Terrorism Financial Prevention Act, ay kabilang sa mga sertipikadong urgent na panukalang batas ng Malacañang para mapalakas ang AMLA law sa layunin na hindi magiging blacklisted ang Pilipinas ng international financial organizations.

Simula bukas ay wala ng session ang Senado para sa sine die adjournment kung saan magbabalik ang session sa Hulyo 23.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply