Senado may mock election gamit ang PCOS machines

MAGSASAGAWA ng mock election ang Senado sa Hunyo 28, 2012 upang matiyak na hindi palyado ang gagamiting  precinct count optical scan (PCOS) machines ng Commission on Elections (Comelec) sa 2013 mid-term elections.

Ipinatawag ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, chairman ng Senate committee on electoral reforms and people participation at select oversight committee on suffrage, ang mga opisyal ng Smartmatic na siyang nagmamay-ari ng PCOS machines at ang Comelec upang magsagawa ng demo ng PCOS at ng Consolidation Canvassing System (CCS) machines na gagamitin sa halalan.

Matatandaan na inaprubahan na ng Supreme Court ang pagbili ng Comelec sa PCOS machines sa halagang P1.8 bilyon upang magamit sa darating na halalan. Ang nasabing PCOS machine ang ginamit din sa halalan noong 2010.

Sa notice na ipinadala ni Pimentel sa mga miyembro ng komite, ipinaalam nito na magsasagawa siya ng mock election at kasunod ng manual audit sa resulta ng halalan.

Ipinatawag niya ang hearing upang tanungin din ang mga opisyal ng Smartmatic at Comelec hinggil sa ‘glitches’, problema at nakalipas na isyu patungkol sa paggamit ng PCOS at CCS machine.

Gusto rin ni Pimentel na malaman sa kanila ang proseso ng transmission hanggang sa consolidation ng mga boto sa server.

Sinuportahan naman ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang naging hakbang ng Senado na busisiin ang kapabilidad ng PCOS machines upang masiguro na hindi ito papalya.

Dinagdag pa nito na nakatipid din ang Comelec sa pagbili ng second-hand na PCOS machine kumpara sa pagbili ng mga bagong makina na gagamitin sa halalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply