Senador kumpirmadong may babaeng anak sa labas

KUMPIRMADO ang pagkakaroon umano ng anak sa labas ng isang senador na nagbigay ng guilty verdict sa pinatalsik na si Chief Justice Renato Corona.

Ito ang napag-alaman ni matang kuwago ng Remate mula mismo sa mga espiya nito na nagkalat sa mga paaralan.

Ang malupit, katatapos lang ng pag-aaral sa kursong culinary ng anak sa labas na babae ng senador na ito at take note sa isang exclusive at mamahaling paaralan pinatapos.

Kuwento pa sa kay matang kuwago nakilala at naispatan ng senador ang ina ng kanyang anak sa labas sa isang beauty pageant sa lalawigang pinagmulan niya.

Na kung saan matapos na manalo ito sa naturang patimpalak, tila umandar ang kalibugan, este, ang tibok ng puso ng naturang senador.

Hindi naman nabigo ang naturang senador para maakit, makuha ang atensyon at alindog ng naturang beauty queen.

Ang haba naman ng buhok mo madam.

Ang malupit sa senador na ito ay kilala rin ng kanyang anak sa labas kung sino ang karelasyon nito na isa rin umanong mambabatas ng bansa.

Mukha naman yatang nakadidiri ka na sir dahil matapos mong gumawa ng milagro at kasalanan, heto ka na naman at gumagawa ng kahiwagaan.

Mukha yatang hindi na tinatayuan, este, ginaganahan ang senador na ito sa kanyang asawa na isa rin namang sosyal at maganda.

Take note maputi rin ito na talaga namang hilig ng senador kasi maitim, este, tan ang kanyang kulay.

Gusto ninyo na bang makilala kung sino siya?

Puwes ito at humawak na kayong mabuti sa inyong kinauupuan dahil may letrang A ang kabuuan ng kanyang pangalan as in ang agang hinatulan ng kanyang pamilya si Corona sa pagsisimula pa lang ng paglilitis. At higit sa lahat paborito niya ang mga letrang G, M, at A dahil sa makasaysayan ang mga letrang ito sa kanyang buhay-pamilya at buhay-pulitika.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply