Senador, nanawagan ng panalangin kay Dolphy

NANAWAGAN ang ilang senador nang malawakang panalangin para kay Dolphy na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa Makati Medical Center dulot ng chronic obstructive pulmonary disease.

Bukod kina Senador Manny Villar, Pia Cayetano, Ramon Revilla Jr., at Francis Pangilinan, nanawagan din ng panalangin si Vice President Jejomar Binay sa mabilisang paggaling at pagbuti ng kalagayan ng comedy king.

“Ako at ang aking pamilya ay kaisa ng buong bansa sa pagdarasal para sa paggaling ni Dolphy. Isa siya sa mga natatanging yaman ng showbiz, Ang kanyang paghahari sa komedya maging sa pinilakang tabing ay mahirap pantayan”, ani Villar.

Iginiit ng presidente ng Nacionalista Party na habangbuhay niyang pasasalamatan si Dolphy dahil sa walang pagod nitong pagsuporta sa kanyang mga adbokasiya maging ang malaking tulong nito sa kanyang presidential campain noong 2010.

“Malaki ang paghanga ko sa mga taong nagmula sa kahirapan ngunit nagsikap at nagtagumpay sa buhay at larangang kanilang pinasok. Tinuturuan ng mga taong ito ang ating kabataan tungkol sa halaga ng sipag at tiyaga,” dagdag pa ni Villar.

Katulad ni Villar, si Dolphy ay isa ring batang Tondo.

Para kay Cayetano, lubha itong nagulat nang malaman ang kinasasapitan ngayon nin Dolphy dahil naramdaman nilang kung gaano magkaroon ng ganitong kalagayan sa panahon ng kanyang ama.

“Alam kung masakit ang ganitong pangyayari kaya’t hindi lamang dapat si Tito Dolphy ang ating ipagdasal kundi maging ang kanyang pamilya na dumadaan sa ganitong uri ng pighati,” giit ni Cayetano.

Sinabi naman ni Pangilinan na kaisa ang kanyang pamilya sa pagdarasal para kay Dolphy at pamilya nito.

“Our prayers go to Tito Dolphy and his family during this difficult time,” aniya.

Ayon naman Revilla na umaasa siyang malalampasin ng Hari ng Komedya ang kinahaharap niya ngayon at tanging taimtim na dasal lamang ang kanyang maiaalay sa kanya at sa pamilya nito.

“Si Tito Dolphy ay isang haligi ng industriya. Napakalaki ng kanyang naging kontribusyon sa ating sining. Tinitingala, iginagalang at mahal siya hindi lamang ng mga taga-industriya, kundi ng bawat Pilipino. Taimtim ko pong pinagdarasal at umaasa po ako na malalampasan ni Tito Dolphy ang karamdamang hinaharap niya ngayon,” ayon kay Revilla.

“He has given the people so much happiness in his sterling career as an actor, and has spoken to and for the Filipino. For this, he deserves our fervent prayers,” giit naman ni Binay.

Marami nang naipanalo si Dolphy sa kanyang pag-arte sa telebisyon at pelikula tulad ng FAMAS Best Actor para “Omeng Satanista” (1978);   Luna Awards Best Actor para “Father Jejemon” (2011); PMPC Star Awards for TV Best Comedy Actor para “Home Along Da Riles” (1992-1995), Best Comedy Actor for “John En Marsha” (1986-1998 at 1990) and Best Comedy Actor para “John En Shirley” (2008); at Metro Manila Film Festival Best Actor para “Espadang Patpat” (1990) at “Father Jejemon” (2010); at Best Supporting Actor sa “Rosario” (2010).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply