Senglot lasog sa tren sa Camarines Sur

TAGPAS ang ulo at dalawang kamay ng isang lalaking lasing na humiga sa riles ng tren matapos masagasaan ng Bicol Express sa Camarines Sur kaninang madaling araw.

Dead on the spot si Rodrigo Osera, 31-anyos residente ng South Centro, bayan ng Sipocot.

Nakikipagkoordinasyon na ang pulisya sa pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) para malaman ang pangalan ng tsuper ng PNR na nasangkot sa aksidente.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling araw sa Barangay South Centro sa bayan ng Sipocot.

Ayon sa mga nakasaksi, bago ang insidente ay nagmula sa isang birthday party ang biktima at nakita itong pasuray-suray na naglalakad sa riles ng tren.

Sa pag-aakalang didiretso na pauwi sa kanyang bahay ay hindi na nila ito pinansin pa at lingid sa kanila ay humiga pala ito sa riles dahil sa sobrang kalasingan.

Dahil madilim sa lugar, hindi napansin ng tsuper ng tren na nakahiga pala ang biktima sa riles ng tren at nalaman na lamang na may nasahasaan siya nang masigawan na ang mga residente.

Hindi naman tumigil sa patakbo ang naturang tren sa takot na saktan siya ng mga residente sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply