Senglot na parak inireklamo sa panunutok, pagpapaputok

TAGILID ang isang pulis matapos ireklamo ng panunutok at pagpapaputok ng baril ng kalugar sa Caloocan City dahil sa kalasingan kaninang umaga.

Iniimbestigahan na ng mga kabaro si SPO1 Edcel Ringpis, nasa hustong gulang ng Caloocan City Police at residente ng 7th st., 11th Avenue ng lungsod.

Alas-12:45 ng umaga, bangenge umano ang pulis at nilapitan ang grupo ni Kevin Sumanglag, 21 sa nasabing lugar at tinutukan ng baril ng pulis si Sumanglag.

Matapos ito sunod-sunod na nagpaputok sa ere at lupa si Ringpis.

Nakahingi ng tulong sa mga pulis ang isa sa mga kagrupo ni Sumanglag at nang respondehan ay hindi na nakapalag pa si Ringpis na binitbit sa presinto.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply