Senior citizens ng Marikina, libre entrance na sa Shoe Museum

PARA makapagdulot ng kasiyahan sa mga nakatatanda o senior citizens, ipinasa ng lokal na pamahalaan ng Marikina sa pamamagitan ng Sangguniang Panglungsod ang ordinansa upang makapasok nang libre sa Shoe Museum ang mga nakatatanda ng lungsod.

Alinsunod sa Ordinansa Bilang 82, Serye ng 2012, ang libreng pagpasok sa nasabing museo ay para lamang sa senior citizens ng lungsod.

Kailangan lamang iprisinta ang Senior Citizens’ Identification Card (IDs) bilang patunay na sila ay senior citizen at nakatira sa Marikina.

“Sa pamamagitan ng ordinasang ito, makatutulong ang lokal na pamahalaan sa paglilibang ng mga nakatatanda sa ating lungsod,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Matutunghayaan sa Shoe Museum ang may isang libong pares ng sapatos ng mga tanyag na personalidad mula sa larangan ng sining, pulitika, musika, negosyo, at marami pang iba.

Sa mga nais bumisita, bukas ang Shoe Museum mula Lunes hanggang Sabado, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon na may entrance fee na PhP50.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply