Sharon Cuneta binubuyong pumasok sa pulitika

MAKARAAN ang ginawang pambubuyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Transportation ang Communications (DOTC) sa aktor na si Aga Muhlach, kinukumbinsi na rin si Megastar Sharon Cuneta na pasukin ang pulitika.

Inamin ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na marami ang nag-uudyok sa kanyang misis na pasukin ang pulitika

Ani Sen. Kiko, hindi na bago ang Megastar sa pulitika dahil mahabang panahon ding nanungkulan bilang alkalde ng Pasay ang ama nitong si Pablo Cuneta.

Tiniyak naman ng senador na kung anoman ang magiging desisyon ng kanyang maybahay ay kanya itong susuportahan.

Magugunita na nitong nakaraang halalan, tinanggihan ni Sharon ang alok ni dating Mayor Wenceslao “Peewee” Trinidad na sumabak sa pulitika.

Sa ngayon, pinag-iisipan pa ito ng Megastar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply