Shell nanguna sa rollback

NANGUNA ngayon ang Shell sa pag-aanunsyo ng ipatutupad nilang rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo.

Ayon kay Bobby Canapi, Vice President for Communication ng Shell, epektibo mamayang 12:01 ng hatinggabi (Hunyo 9) ang kanilang bawas-presyo.

Sinabi ni Canapi, na P2 kada litro ang bawas sa kanilang regular gasoline at kerosene, habang ang diesel, unleaded at premium gas ay tatapyasan ng P1.50 kada litro.

Inaasahan na susunod na magpapatupad ng rollback ang iba pang oil companies.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply