Shocked sa pagkakadawit sa intriga!

DUMALAW kami sa taping ng ‘Banana Split (Extra Scoop) na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN at sinubukan naming interbyuhin si Sexbomb Sunshine Garcia tungkol sa pagkakadawit niya sa hiwalayang John Prats at Bianca Manalo.

Magkasama sa naturang show sina John at Sunshine.

Ayaw na raw niyang magsalita dahil lalaki pa kaya umiiwas na siyang mapasali pa sa isyu.

Ayon sa isang staff ng ‘Banana Split,’ naloka raw si Sunshine sa batikos ng mga fans nina John at Bianca sa internet nu’ng unang magsalita siya tungkol dito. Nagtataka rin sila kung paano naugnay si Sunshine sa naturang split-up.

May haka-haka ang ilan na galing mismo sa kampo ni Bianca ang pagkakadawit ni Sunshine sa hiwalayan.

Basta happy siya sa kanyang Chinese boyfriend at naiintindihan naman daw niya ang intrigang kanyang kinasangkutan.

-0o0-

DETERMINADO si Phil Younghusband na maging maayos ang paglalaro habang nasa tabi niya ang kanyang inspirasyon na si Angel Locsin.

“I want a future with Angel,” ani Phil. “Hopefully, I will have a future with Angel as we get stronger. My love for her keeps on growing every day.”

Pero para kay Angel, wala pang kasalang magaganap ngayon. “Bata pa naman kami at meron pa kaming ibang prayoridad sa buhay. Hindi pa kami handa,” sey  niya. “Masaya kami sa kung ano at meron kami ngayon.”

Samantala sa “TODA Max,” darating na ang pinakahihintay na araw sa buhay nina Justin (Vhong Navarro) at Isabel (Angel Locsin) – ang kanilang kasal. Pero mukhang nagdadalawang-isip ang mga ikakasal. Tutulungan at kakausapin sila ni Tol (Robin Padilla) at Dianne (Valerie Concepcion) sa problema nila.

Ano na kaya ang mangyayari sa kasal nina Justin at Isabel? Alamin sa TODA Max bukas, Sabado pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.

-0o0-

NAGPAMALAS si Miles Ocampo ng galing sa pag-awit nang mag-duet sila ng ka-love team sa LUV U na si Marco Gumabao sa nakaraang mall tour sa Glorietta 5. Inimbitahan na rin nila ang mga manonood sa Glorietta 5 na abangan ang pangalawang season ng nakakakilig na teen show.

Marami ang nagtatanong kung ano ba ang susunod kay Miles. Nagdaan na siya sa pagpapatawa sa Goin’ Bulilit at pagpapakilig naman ngayon ang focus niya. Sa susunod naman kaya ay pag-awit na?

Ayon sa teen star, hindi niya pa masyadong iniisip ang future lalo na pagdating sa career. Para sa kanya mas masayang enjoy-in muna niya ang kung anong mayroon siya. Nasa LUV U ang focus ni Miles ngayon at sa pag-aaral. Sa pagsisimula ng bagong season ay mas masaya at excited siya.

“Sobrang saya po at nagulat po ako na ganoon ang pagtanggap ng tao. Masaya po ako na nagustuhan po nila. Mas lalo pa pong nakaka-inspire magtrabaho lalo na kapag alam niyong may nakaka-appreciate sa ginagawa niyo,” say ng dalaga.

Samantala, ngayong Linggo mukhang nagkakaroon na naman ng mutual understanding sina Camille (Miles) at JB (Marco). Nang may gustong kantahin si Miles sa videoke na hindi niya maalala, gumawa kaagad ng paraan si JB para alamin ito. Maging dahilan kaya ito para bumalik na ang nararamdaman nila sa isa’t isa at tuluyan nang maging ‘sila’?

‘Yan ang aabangan sa LUV U, tuwing Linggo, pagkatapos ng ASAP 2012 sa ABS-CBN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply