Si Boy Recorder

KUNG naghahanap kayo at nangangailangan ng recorder huwag na kayong lumayo.

Pumunta lang kayo sa Senado at hanapin ninyo si Boy Recorder na isang senador.

Akalain ninyo ba naman na sa loob ng isang linggong lumipas walang ibang sagot ang senador na ito kundi pare-pareho.

Kaya ang mga media na nagco-cover sa kanya ay nagsasawa na siyang pakinggan at interbyuhin dahil puro iyon na lang ang kanyang alam na bigkasin gayong marami namang puwedeng sabihin at topic na pag-usapan.

Tingin tuloy ng marami mukhang may bitterness sa buhay at apektado ang mambabatas na ito sa dumaraang unos sa relasyon nilang mag-asawa.

Kawawa naman sir.

Ang malupit pa, sa halip na kaawaan siya ng mga tao at mga reporter, naiinis na rin ang mga ito at lumilipat ang simpatya sa taong kanyang binabatikos at binabanatan.

Napag-alaman pa ni matang kuwago ng Remate na isang beses na nagpatawag ng presscon ang naturang senador, ayaw nang dumalo ng ibang reporter.

Pagkatapos ng presscon, ang ginawa ng mapiling staff na ito ng mambabatas ay sinuhulan, este, binigyan ng iba’t ibang delicacies ang mga reporter para lang huwag madala sa kanyang boss at gamitin ang inuulit nitong reaksyon.

Akala ng espiya ni matang kuwago, para siyang nagbabasa ng librong history dahil sa paulit-ulit na pahayag nito.

Take note: Walang bago sa wordings at composition of sentence nito.

Si mambabatas na ating tinutukoy ay may letrang K sa kabuuan ng kanyang pangalan as in kuripot kaya mag-aayos lang ang bata niya kulang pang pan-load sa cellphone.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply