Si Juanita Petalyo, kotong cops at pamumulitika

MULI po nating tinatawagan ng pansin si Gng. Juanita Petalyo para makipag-ugnayan sa ating tanggapan ukol sa napakahalagang usapin na kanyang idinulog sa atin sa pamamagitan ng sulat.

Sa kanyang sulat, nakalimutan po ni Gng. Petalyo na ilagay ang kanyang address o contact number para maaksyunan sana agad natin ang kanyang mabigat na problema.

Kung sinoman po ang nakakikilala at na-uugnay kay Gng. Petalyo, pakisabi naman po sa kanya na tumawag sa ating cellphone number 09214303333.

Pupuwede rin siyang makipag-ugnayan sa atin sa National Press Club, Intramuros, Manila mula Lunes hanggang Biyernes dakong ala-1:00 hanggang alas 5:00 ng hapon.

oOo

Bigyan naman po natin ng pagkakataon ang ating mga reader na magpahayag ng kanilang mga damdamin, kaisipan, sumbong, kahilingan at iba pa.

2 MAYOR AT LUBAK NA DAAN

Ka Benny, dalawang beses na po akong nag-text sa inyo tungkol sa mayor dito sa Cuyapo, Nueva Ecija. Noon pang 1995 nakaupo ang mag-asawa at nagpapalitan lang  sila. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring solusyon sa lubak-lubak na kalsada. Saan na po kaya napunta ang pondo ng bayan namin? Pakiratsadahan lang po para magising ang mga kababayan namin dito sa Cuyapo, Nueva Ecija. I’m Jong but dont publish my no#.    +63949799….

KOTONGERO SA MAYNILA

Sir Benny, ano kaya ang puwedeng magawa ng mga kinauukulan o kahit ng mga vigilante man lang sa isang tauhan ng Manila City Hall na na naka-assign sa mcat? Mandy V…. ang pangalan nito at wala nang ginawa kundi ang mangotong sa mga maliliit na naghahanapbuhay. Wala na pong ginawa kundi ang manghingi ng tara. Gamit ang pangalan ni Mayor Lim at sakay ng service ng Task Force Kaayusan. Pero ngayon, gamit naman niya ang service ng Manila Traffic. Mayor Lim, marami nang ayaw sa inyo dahil sa gawain ng mga tao ninyo. Gaya ng Mandy V… na ito. Aksyon na bago pa mahuli ang lahat.  +63921585….

KOTONG SA ARAW NG KALAYAAN

Good pm po, Sir Benny.  Pakikalampag naman po ang kapulisan dito sa Guiguinto, Bulacan. Kahit Araw ng Kalayaan may mga nangongotong. Kawawa naman kami. Ang lakas-lakas nilang  mangotong, nakawawala na ng tiwala sa mga pulis. Madale sana sila ng riding in tandem. Salamat po. God bless. +63932422….

KAWAWANG TINDERO

Sir Benny, magandang umaga po. Pasensya na po kayo sa komento kong ito ukol sa nag-text kahapon kaugnay ng DVD. Siguro hindi alam ng nag-text na ‘yun pa ang hirap ng walang work, yung walang maipakain sa pamilya. Hindi ba niya naisip na  patuloy ang pagbabawal sa pagtitinda ng DVD? What work ang gagawin ng mga tindero at tindera? Magnanakaw, mang-snatch, pumatay? Pinag-iinitan nila yung konti lang ang kita pero sa malinis na paraan naman. Salamat po, ingat. God bless. +63928650….

WALANG MODO SA PGH

Good pm po, Ka Benny. Baka sakaling mapansin ng government po ang sistema ng Philippine General Hospital. Maganda sana at libre ang ospital sa atin. Kaya lang karmahin sana ang mga nurse, parang walang ethics. Hindi sila marunong sa tamang approach sa mga pasyente. Mga walang modo, lalo na yung mga nasa IMU.       +63910584….

P30 NA LAUNDRY ALLOWANCE

Pakitulungan ninyo kami, Sir Benny. Kasi pati laundry allowance naming mga sundalo, ‘di pa rin tumataas. P30 per month pa rin. Ano ang mabibili natin sa P30 ngayon sa loob ng isang buwan? Puro lang po sila pangako. Napababayaan na po ang ating mga sundalo. Maraming salamat po at mabuhay kayo. God bless at pakitago po ang CP no. ko.

PROBLEMA SA BED SPACE

Magandang araw po, Sir Benny. Tanong ko lang po kung may alituntunin o patakaran din po sa nagpapa-bedspace. Kasi po ang aking only daughter ay magbe-bedspace, kasama ang kanyang bestfriend ngayong pasukan.  1st year college po sila sa PUP Sta. Mesa.

Sir Benny, dahil ama po ako, tiningnan ko po ang kondisyon ng tutuluyan pansamantala ng anak ko habang nag-aaral. Dismayado po ako sa nakita ko, Sir Benny. 1. Sira yung accordion door na  nagsisilbing pinto papunta sa 2nd floor na kinaroroonan ng silid na bedspace. 2. May mga lalaki na gumagamit ng CR at paliguan, mga anak daw po ata ng may-ari. Ganu’n po ba yun? Pag nag-paupa ng bedspace, wala bang pribadong banyo at CR? 3. Wala po akong makita na fire exit. Tapos may parang canteen o turo-turo sa ibaba.

Sa Hipodromo Street po ito sa Sta. Mesa, Manila, annex po ng PUP ang papasukan ng anak ko.  Journalism po ang kukunin niyang course. Ako naman po ang ama, steel fabricator, may maliit po akong talyer. Pag kayo ang  magpapagawa, Sir Benny, libre na po ang labor. Taga-Binangonan po ako. Thanks.                  +63927292.

PAMUMULITIKA NINA BINAY

Gud am po, Sir Benny.  Dito po sa bayan namin sa Limay, Bataan (June 16, 2012) tila napakaaga ang pagpaparamdam ng mga politiko. Tulad po nina VP Jojo Binay at Cong. M. Magsaysay, kunwari po Medical Mission pero namimigay sila ng kalendaryo na para sa 2012-2013 at mukha nila ang nakabalandra. Ask ko lang po sa kanila, bakit noon hindi nila ginawa ang Medical Mission na ito? Bakit now lang? Nakahihiya kayo. Halatang- halata ang mga style n’yo. ‘Bulok, Pwee. Thanks po . +63999676….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply