Sign language training ilulunsad ng DOH para sa health workers

MAGDARAOS ang Department of Health (DOH) ng basic sign language training and orientation para sa mga health workers sa Metro Manila.

Ayon kay Director Eduardo C. Janairo, ng DOH-National Capital Region (NCR), layunin nito na mabigyan ng sapat na kakayahan ang mga health care provider upang kilalanin at ipasilidad ang pangangailangan ng mga patients with disabilities (PWDs), partikular na ang mga may hearing and speech impairment.

Ani Janairo, mahalagang marunong ang mga health worker ng basic sign language upang madali silang mag-communicate ng tama sa mga pasyenteng may kapansanan sa pandinig.

“Communication is essential to convey directions and provide harmonization to carry out the thoughts and visions of an organization to the people. Thus, it is essential for a health worker to be equipped with the basic sign language to be able to communicate accurately and avoid errors,” paliwanag pa ni Janairo.

“These inaccuracy and errors in communication can pose health risks to PWD’s health and also liability to the healthcare provider, especially those with hearing and speech impairment,” dagdag pa ni Janairo.

Sa Pilipinas, mahigit 90% ng mga bingi ay ipinanganak sa mga magulang na may problema sa pandinig.
Karamihan sa kanila ay lumaki nang hindi natututo ng anumang spoken o signed language.

Hindi umano natututong magsalita ang mga batang ito dahil hindi sila nakaririnig at hindi rin natuto ng sign language dahil walang nagtuturo sa kanila. Nagdedebelop na lamang sila ng ilang rudimentary signs na tinatawag na ‘home signs.”

Nabatid na noong 2004 Persons with Disabilities (PWD) nationwide registration, may kabuuang 508,270 PWDs ang nagparehistro.

Ito’y kumakatawan sa 12% ng tinatayang 8.4 milyong PWDs sa bansa.

Ang mga may hearing and speech impairment cases ay nasa 87,809 o 17.28%.

May kabuuang 17,697 (17.28%) PWDs naman ang nagparehistro sa National Capital Region.

Ang sign language ay isang complete visual mode ng komunikasyon at ikatlo sa most-used language sa Estados Unidos at ikaapat naman sa buong mundo.

“Communication is a vital component of ensuring effective delivery of healthcare services, and health care providers must be equipped with the basic forms of sign language for them to render an effective and quality care for patients with communication impairment”, pagtatapos pa ni Janairo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply