Sikat na chef sinisiraan ng komedyana

NAGING guest ng kilalang chief sa kanyang show ang hindi na sikat na komedyana. Pero imbes na magpasalamat ang huli sa raket na natanggap niya sa programa ng una ay puro paninira pa raw ang isinukli nito.

Ayon umano sa komedyante, marumi raw sa katawan ang chief, ang kuko nito sa paa ay mahahaba, hindi nagbibihis, tumatalsik ang laway sa kausap pag nagsasalita at ang matindi pa, panay pa raw ang utot nito habang nagpoprograma. True ba itetch? Hahaha!

Well, baka paninira lang iyon dahil may rating ang show ng magaling na cook.

***

Aktor gagawing pamato ng politiko

GAGAGAMITIN ng politician ang aktor kaya pinatatakbo niya ito sa isang probinsya. Lahat ng gastos ay sagot daw ng politikong ito. Katunayan, ang unang ibinigay daw nito sa aktor ay isang bagung-bagong bahay na sa kasalukuyan ay patuloy pang pinagaganda.

Pero nabutata ang aktor pagdating sa kaibigan niyang actor-politician nang lapitan niya ito at hingan ng advice tungkol sa kanyang pagtakbo. Sabi ng kanyang friend, magikot-ikot muna ito sa probinsyang tatakbuhan at alamin ang pulso ng mga tao. Hindi naman kasi tagaroon ang nag-aambisyong aktor. Taga-Manila ito at naitulak lang ng nasabing politiko para makaganti sa kakalabaning incumbent politician ng aktor na hindi pumapabor sa mga gusto n’ya kaya gusto nitong patalsikin sa pwesto.

***

Burol ni Direk Mario O’Hara dinudumog ng mga nakikiramay

NASA simbahan ng Magallanes Village, Makati City nakaburol ang labi ng yumaong Mario O’Hara.

Kapansin-pansing marami ang bumibisita rito. Pero naghihinanakit ang mga kaibigan at malalapit na personalidad sa batikan at magaling na direktor. Sana raw nung naghihirap pa ito sa sakit na leukemia ay doon sila nagpakita ng pagmamahal para napasaya pa ang ang huling mga sandali nito.

Gayunman, na-appreciate naman ng mga kamag-anak ng magaling na direktor ang pakikiramay ng lahat lalo na ‘yung mga bumibisita sa simbahan. Hiling lang nila na gawing matahimik at mataimtim ang pakikiramay.

***

Zanjoe nahihirapang magpatawa

INAMIN ni Zanjoe Marudo na mas sanay siya sa seryosong pag-arte. Kumpara sa beteranong mga komedyante,  malayo pa raw ang lalakbayin niya.

“Mahirap talaga magpatawa. Yung iba, iniisip na mahirap magdrama, pero para sa akin, mas challenging yung comedy,” ayon kay Zanjoe.

Ngunit sa pelikulang Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme kung saan ginampanan niya ang papel bilang si Barry, sinabi ng hunk actor na hindi siya masyadong na-pressure dahil mga magagaling na aktor ang nakasama niya. Napuri pa siya komedyanteng si Eugene Domingo. Maliban daw sa magaling siyang umarte wala din siyang kaarte-arte sa katawan.

Samantala, sa Banana Split  kung saan regular ang kanyang pagpapatawa, kanyang sinabi na, “Pag komportable ka sa mga kasama mo, mas natural ‘yung pag-arte.” Para kasi silang magkakapatid sa comedy show na ‘to kaya nagtutulung-tulungan sila. “Ang saya lagi sa set,” sambit naman ng morenong aktor.

Anyway, abangan sa Banana Split ngayong Sabado (June 30) pagkatapos ng Toda Max ang episode na “More Fun in the Philippines”. Kakantahin ng cast ang mga awiting tungkol sa mga lugar sa bansa. At sa “Hot Issue” naman abangan ang spoof sa paghahanap ni Angeline Quinto sa kanyang tunay na ina at ang pag-walkout ni Ruffa Gutierrez sa isang talk show.

**

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply