Sikat na young actress, sukang-suka raw sa kaliwa’t kanang pamamakla noon ng ex-BF na hunk actor?

HALOS isumpa na raw talaga ng sikat na pretty young actress ang ex-BF na hunk actor.

Yes, kung meron daw kinamumuhiang nilalang ang nasabing batang aktres ‘yun ay ang kanyang dating nobyong actor.

Why naman? Kasi raw noong time na sila pa ay mas naging priority raw nito ang mga rich gays kaysa sa kanya. Diumano ay kaliwa’t kanang pamamakla raw talaga ang inatupag nito para yumaman. Kaya ang pobreng girlfriend/actress ay pansinin/dili na lang nito.

Minsan nga raw, may uspan ang dalawa na lumabas. Tapos, bigla na lang itong ika-cancel ni actor dahil may biglaan siyang booking sa bandang South.

Kaya si girl, talagang abot hanggang langit ang galit sa lalaking gahaman sa datung na minahal pa naman niya ng labis. Kaya ang dialogue raw nito habang nasa showbiz siya ay hinding-hindi siya papayag na makasama sa kahit anong project ang ex na hunky actor na puro hinanakit at sama ng loob ang ibinigay sa kanya.

Kung ako sa iyo girl, mag-move on ka na. Tutal, may bagong dyowa ka na na tine-take ang iyong katabaan.

Life must go on gyud!

***

Favorite s FB na si Ryzza Mae Dizon, tinaghal na Little Miss Philippines 2012 sa Eat Bulaga

AMONG the 11 finalists of Little Miss Philippines 2012, namely Donna Claire Galvez, Anika Jade, Yasmine Grace Arim, Precious Angel Aceah, Maria Francesca Rojas, Regina Alexandra Hebron, Nicole Caroline Renopal, Kailey Rose Kemp, Jenna Marie Niedens, Jhie Ann Marie Crisostomo, ang naging favorite na i-like sa Facebook ng libu-libong Dabarkads na si Ryzza Mae Dizon ang siyang tinanghal na Little Miss Philippines 2012.

Para sa mga tumayong judges noong hapon na ‘yun na kinabibilangan nila Michael V., Eugene Domingo, Dra. Lilian Juadiong at Judy Ann Santos-Agoncillo, si Ryzza ang pinaka stand-out para sa kanila dahil sa edad nitong 5 years old ay bibang-biba na ito at super talended like her idol Aiza Seguerra na kinagiliwan at hinanggan rin noong mid-80’s sa LMP. Fabulous ang premyong napanalunan ni Ryzza at tumataginting na 100,000 ang tinanggap nito from Puregold at 200K naman mula sa Eat Bulaga.

By the way narito ang listahan ng kanyang mga naging runner-up. Sila ay si na Precious Angel (4th runner-up) na tumanggap ng 15K, Jhie Ann Marie (3rd runner-up ) who received 25K, Jhenna Marie Niedens (2nd runner-up) who got 30K and 50K naman for Maria Francesca Rojas (first runner-up).

Abangan naman ang mga Papable bagets sa Search for Mr. Pogi 2012 malapit na ‘yan sa Eat Bulaga.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply