Simbahan dismayado sa P87.1M gastos sa trip ni PNoy

DISMAYADO ang mga opisyal ng Simbahang Katoliko sa P87.1 milyon na gastos ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa biyahe nito sa United Kingdom at Estados Unidos at tinawag pa itong ‘iskandaloso’ at isang ‘kasalanan.’

Ayon kay lead convenor ng Solidarity Philippines Fr. Joe Dizon, maraming Pinoy ang nagugutom at walang trabaho sa ngayon kaya’t hindi makatarungan ang ginawang paggastos ng pamahalaan ng naturang napakalaking halaga para sa biyahe lamang.

Sa halip aniyang ginastos sa biyahe, dapat na inilaan na lang ng pamahalaan ang naturang pondo sa pagpapatayo ng mga silid-aralan, hanapbuhay o pagkakakitaan ng mga walang trabaho at pagpapatayo ng health center o mga gamit sa pampublikong ospital sa kanayunan para tulungan ang mga kapos palad na may mga sakit.

Kaugnay nito, nanawagan si Dizon sa Pangulo na ilantad sa publiko ang breakdown ng naturang P87.1 milyon na gastos sa kanyang business trip kasama ang mga negosyante at miyembro ng kanyang gabinete.

Samantala, dismayado rin si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa naturang napakalaking ginastos ng Pangulong Aquino sa kanyang biyahe.

Sinabi ni Cruz na dapat malaman ng Pangulo na maraming problema ang bansa at hindi ito masosolosyunan sa pabiyahe-biyahe lang sa ibang bansa.

Giit ng arsobispo, ilang pangulo na ng bansa ang gumawa nito at laging pinangangalandakan ang malaking pera na dadalhin nila pabalik ng bansa subalit sa huli ay wala naman napapala ang taumbayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply