Simbahan ng UCCP damay sa PCU case

MULING napatunayan na totoo ang kasabihan na “the love of money is the root of all evils” dahil napipinto nitong hatiin ang United Church of Christ in the Philippines.

Nadamay na umano ang buong kongregasyon dahil sa financial scandals na kinasangkutan ng dalawang miyembro ng Cosmopolitan Church sa Taft Ave., Maynila.

Nabatid na binarikadahan noong Mayo 1, 2012 ang Cosmopolitan Church na miyembro ng UCCP kaya’t napilitan ang mga miyembro nito na magsagawa ng worship services sa kalapit na Girl Scouts auditorium sa Padre Faura St., sa Maynila.

Ayon sa sources, nilusob ni dating Philippine Christian University president Oscar Suarez, natalong vice presidential candidate at abogado ni Suarez na si Perfecto Yasay, Jr. at dismayadong grupo nito ang mga tanggapan ng simbahan noong madaling araw ng Mayo 1 at ini-lock nila ang lahat ng religious facility.

Dahil dito, pinagkaitan ang mga pastor, kabilang sina Senior Pastor Rev. Phoebe Dacanay at lay leaders ng kanilang mga tanggapan, tahanan at personal na kagamitan at tamang lugar para sa religious services at activities.

Nag-ugat ang hidwaan sa pag-reject ng simbahan at ng election committee sa nomination nina Yasay at asawa ni Suarez dahil sa hindi umano natugunan ng mga ito ang “good moral character” at “good reputation” qualifications dahil sa financial charges na kinahaharap ng mga ito.

Marami pa umanong dapat ipaliwanag si Yasay sa Bangko Sentral ng Pilipinas kaugnay sa P60M na umano’y winidraw nito mula sa nagsarang Banco Filipino samantalang si Suarez ay kinasuhan sa maanomalyang transaksyon na nagresulta sa pagdeposit ng P32M pondo ng PCU sa personal account ng kanyang asawa.

Sa kabila ng protesta ni Yasay, itinuloy ng simbahan ang election of officers nito para sa 2012 noong Disyembre 18, 2011.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply