Sina Lauren Young, Elmo Magalona ang magkarelasyon!

KIYEMENG kunwari lang na magkarelasyon sina Rhian Ramos at Aljur Abrenica. Ang kuning kuning ni Rhian, para raw walang lalaking dumikit pa sa kanya.

Maniwala naman tayong yun nga!

Well, sige na kunwari lang but this might lead to a relationship na mutual lang, walang ligawan pero may… alam n’yo na (Churvahan, ganuned? Hahahahahaha! – Ed).

When a hot girl like Rhian meets a hot boy like Aljur, puwede ba silang magpigil?

Sa Pampanga, alamat yung pagiging babaero ni Aljur. Di ba may tsismis na may fan siyang nabuntis nito.

Remember yung sexual harassment niya noon sa isang promo girl? Someone in the know, insists na totoo yun doon.

O, di ba?

Kaya yung ek na kunwari lang yung relasyon nila, sa totoo mauuwi yan.

Pustahan, a few weeks from now, totoong magkaromansa na sila (Hahahahahahaha! how amusing naman, amigo! – Ed).

***

Jake Vargas, Bea Binene true-to-life na rin ang romansa

HINDI naman puwedeng i-deny pa ninuman kina Jake Vargas at Bea Binene that something serious is happening between them. Nakasama namin sila sa isang show sa Nueva Ecija at talaga namang saksi kami sa sweetness nila sa isa’t isa.

In fact sa isang van sila sumakay at dun pa lang, puwede mo nang i-imply na sila na nga.

By the way, may bagong achievement award na natanggap ang teen actress na si Bea Binene via 32nd Huwarang Ina award. Siya ang nahirang bilang Most Outstanding Female Teleserye Artist. Samantala, ang leading man ni Bea sa Alice Bungisngis at Tween Hearts na si Jake Vargas ay ginawaran din ng award bilang Most Outstanding Male Teleserye Artist.

Sa pagtatatapos ni Bea ng taping ng Alice Bungisngis, sa taping naman siya ng Luna Blanca sasalang kung saan gaganap siya bilang negrang kakambal ni Barbie Forteza.

Bago mag-taping ng bagong soap, gusto muna niyang mag-enjoy at mag-relax kasama ang mga kapatid at magulang, pati na rin ang close friends niya.

Di natuloy si Bea sa Hong Kong dahil di agad sila nakakuha ng bookings ng eroplano at hotel doon. Kaya minabuti na lang niyang mag-stay sa Batangas para mag-relax.

***

Lauren Young tinik sa pagitan nina Elmo Magalona at ng trying hard na starlet singer

SA TUNAY na buhay, si Lauren Young na talent ng Star Circle ang girlfriend ni Elmo Magalona.

Pero sila ng isang trying hard na singer mula sa GMA7 ang ipinapareha.

May pelikulang pinagtatambalan ngayon ang dalawa, pero ngayon pa lang hinuhulaang sasablay ito sa takilya.

Consider this, Elmo and the singer are both struggling starlets kaya wala silang following. So what can we expect sa isang malabnaw na tambalan? Pangalawa na yung may tinik sa pagitan nilang dalawa. Si Lauren Young nga ang tunay na karelasyon ni Elmo. Lagi silang nakikitang magkasama sa mga lakaran kaya imposibleng maniwala at kiligin ang publiko sa kuning  kuning na bagong love team ng GMA7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply