Sindikato ng droga, nasa likod ng paglikida sa tserman sa Quiapo

SINDIKATO sa droga sa loob ng Islamic Center, ang isa sa mga motibong binubusisi ng mga awtoridad, matapos tambangan ang isang 56 anyos na barangay Chairman sa Quipo,Manila, kamakailan.

Dalawang anggulo ang tinitingan ng mga tauhan ng Manila Police District, kung may kaugnayan sa umano’y malawakang bentahan ng shabu sa Muslim Area na nakakasakop sa biktimang si Sainal Shariff  y Pararanam, 56 , tubong Lanao DelSur  ; Chairman sa Brgy. 384, Zone 39, District III at residente ng  817 Globo De Oro st., sa  panulukan ng  Bautista st.,sa  Quiapo.

Sa nakalap na impormasyon sa ayaw ng magpabanggit na opisyal ng MPD, sinasabing galit na umano si Chairman Shariff sa ilang tulak ng droga sa kanyang nasasakupan, kaya umano pinlano na ang pagpatay dito.

Gayunman, inutos na ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagtugis sa dalawang suspek na tinaguriang “Riding in tandem”na hinalang hired killer ang mga ito at nasa likod nito ang tungkol sa droga.

Matatandaan na nitong biyernes ng dakong 8:40 ng gabi, nang tambangan ang nasabing barangay Chairman , habang katabi nito ang kanyang misis na nanonood ng telebisyon sa loob ng kanila bahay.

Nabatid na nakarinig pa ng ugong ng motorsiklo si misis, pero hindi nito pinansin kung sino ang dumating at ilang saglit pa lamang ang nakakaraan , nang sunod sunod na putok ang umalingawngaw at dito na tumimbuwang na duguan si Chairman Shariff.

Nagtamo ng apat na tama ng bala sa ulo at sa katawan ang nasabing punong barangay, saka umano mabilis na pinaharurot ang motorsiklo sa direksyon ng Echague St., sa Quiapo.

Dahil sa tradisyon ng kapatirang Moslem, agad na dinala ang bangkay sa loob ng Mosque, at hindi na ito ipinawtopsiya pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply