Singer ng isang banda nagbigti

NAGPATIWAKAL sa pamamagitan ng pagbigti ang isang vocalist singer ng banda matapos na mainitang pagtatalo ang una at ng kalive-in partner nito Martes ng gabi Hunyo 5, sa loob ng kanilang bahay sa Dagat Dagatan, Caloocan City.

Lawit ang dila at wala ng buhay nang matagpuang nakabitin ang biktimang si Katrina Bernadette y. Teodoro, 25, vocalist singer, ng 118 Sabalo St., Brgy. 12 ng nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon ni P02 Gerry Garces ng Station Investigation Division ng Caloocan PNP, dakong alas 7 :00 ng gabi ng maganap ang pagpapatiwakal ng biktima sa loob ng kanyang kwarto.

Bago maganap ang insidente ay nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay ang biktima at ang live-in partner nitong si Romeo Gelacio kasama sa grupo ng banda .

Ayon kay Ronaldo Gelacio, bayaw ng biktima, ilang oras  matapos ang mainitang argumento ng dalawa nagpasyang pumasok sa loob ng kwarto si Katrina habang umalis naman ang kanyang kapatid

Dahil sa sobrang tahimik nagpasyang pumasok sa kwarto si Ronaldo hanggang sa kanyang matuklasan  na patay na ang biktima sanhi ng pagtali sa leeg habang ang dulo ay itinali steel frame ng bintana.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang tunay na motibo at kung may naganap na foul play sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply