Singil ng Meralco tataas ng 54 sentimos kada kwh ngayong Hunyo

ASAHAN ang muling pagtataas ng singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Hunyo.

Base sa pahayag ng pamunuan ng Meralco,  P0.54 kada kilowatt hour (kwh) ang madadagdag sa billing ng kanilang mga customer ngayong Hunyo. Ito ay bunsod umano ng pagtaas ng presyuhan sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Dumoble umano ang singil ng WESM sa halos P16.30 kada kWh nitong Mayo mula sa dating P7.91 kada kwh noong Abril,.

Aabot sa P52 ang madadagdag sa bill ng mga kumukunsumo ng 101 kw kada buwan at P180 sa mga gumagamit ng 201kw.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply