Sisihan, turuan sa paglubog sa bangka, itigil – PNoy

UMAPELA si Pangulong Benigno Aquino III sa publiko na tigilan na muna ang pagtuturo o panininisi sa kung sino ang may kasalanan sa napabalitang pagbangga ng Chinese vessel sa fishing boat ng Pilipinas kung saan isang Pilipinong mangingisda ang namatay, tatlo ang sugatan at apat pa ang nawawala.

Sa oath taking ng mga bagong miyembro ng Liberal Party-Cordillera State University Gymnasium sa La Trinidad Benguet, sinabi ni Pangulong Aquino na iyon ang dahilan kung bakit tinututukan niyang mabuti ang operasyon sa pag-rescue sa nawawalang apat na Filipinong mangingisda na sina Fred Celino, Arnold Garcia, Domy de los Santos at Amante Resonable.

“So, ang unang gagawin natin, there’s still an on going operation to rescue four missing fishermen. Three, I understand,they have been taken cared of. They are in the hospital, they are suffering from hypothermia. There’s a fourth one that died.  We are rendering assistance to the three that are already hospitalized. We are conducting operations to recover the four, hopefully to save the four who are still missing. We are gathering all of the necessary evidence,” ani Aquino.

“Once we have gathered the necessary evidence—we are not accusing anybody at this point in time. Once you have gathered a necessary evidence, then yung if there was a ramming incident and iniwan mo ‘yung mga tao sa dagat that is inclear violation of the laws governing the seas. Then ‘yung that is actionable. We can go to the appropriate fora to file the necessary charges for justice for our fishermen. Pero may investigation, determination of cause, determination of who is at fault. Then after all of this investigation, then that tells us where we will proceed. So ngayon, huwag muna tayong magsabing kasalanan ni Pedro, ni Juan, ni Maria, kung sinuman habang walang ibedensya. Pinagugulo lang natin ang sitwasyon na hindi… Baka mamaya niyan ay baliktad lahat ng natuklasan doon sa imbestigasyon.”

Nauna ng kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Council executive dir. Benito Ramos na maaring sinadya ng Chinese vessel na banggain ang bangka ng mga Pilipino dahil hindi man lang sila tumulong.

Nangyari ang insidente sa hilagang bahagi ng Scarborough Shoal, malapit na sa Bolinao, Pangasinan.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, wala pa silang opisyal na impormasyong natanggap hinggil sa pangyayari.

Ani Usec. Valte, ipapaimbestiga nila ito sa kinauukulang ahensya tulad ng Philippine Coast Guard (PCG) para makatiyak ng mga impormasyon.

Matatandaang nag-iingat ang Malakanyang  kaugnay sa territorial dispute sa China para hindi lumala ang tensyon at maresolba sa payapang paraan ang hidwaan.

Muling ipinag-patuloy ngayong umaga ng Philippine Coast Guard (PCG) ang search and rescue operations sa apat na mga Filipino fishermen na sinasabing nawawala matapos banggain ng umano’y Chinese vessel ang kanilang bangka.

Tinuran ni  Coast Guard spokesman Lt. Cmdr. Armand Balilo, sinusuyod ngayon ng kanilang mga tauhan ang karagatang sakop ng Pangasinan, La Union at mga kalapit na lalawigan.

Sa naging testimoniya ng mga nakaligtas na mga mangingisda, posibleng nangyari ang insidente sa layong 140 nautical miles sa bahagi ng Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.

Ang nasabing lugar ay sentro ng standoff sa pagitan ng Piliipinas at China.

Maliban dito, nakikipag-ugnayan na rin umano ang PCG sa Hong Kong Maritime Coordinating Agency para alamin ang natanggap na impormasyon na Hong Kong vessel ang sangkot sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply