Siya ang tagapagsugpo sa katiwalian sa Customs

KUNG dati, ang kinatatakutan na mangongotong sa lipunan ay mga pulis at ilang tiwaling kawani, ngayo’y pinasok na rin ng ilang broker/importer ang extortion activities sa Aduana.

Aba hindi biro-biro ang ginawang pagkakaaresto ni Customs Comm. Ruffy Biazon sa pitong ‘hao-siao’ na empleyado ng Customs dahil sa iligal na pakikipagtransaksyon ng mga ito sa mga lehitimong broker/importer sa Aduana. Kabilang sa mga naaresto ni Biazon ang dalawang broker daw ng Jade Brothers Brokerage, kasama sa pitong ‘hao-siao’ ng BOC na pinaaresto nito.

Ang inisip ko tuloy, mukhang tila hindi na kumikita ng malaki ang mga brokerage na gumagawa ng iligal dahil sa mahigpit na kautusan na ipinatutupad ni Biazon laban sa smuggling activities kaya pati ang ganitong gawain ay pinasok na ng mga ito.

Bilib ako sa grupong ito dahil kumpleto rekados ang kanilang props gaya ng mga pekeng ID at isang malaking opisina sa loob pa mismo ng Customs. Sa isang kuwarto nahuli ang mga notorious na ‘hao-siao’ na empleyado na kung saan ay nasamsam sa mga ito ang nagkalat na dokumento tulad ng load port survey, entries at listahan ng consignees at brokers.

Kailangan talaga ng Customs si Biazon para tuluyan nang malipol ang lahat ng mga kawatan sa nasabing pantalan. Si Biazon ang sinasabi sa Customs na “Is the Man” para malipol at matigil ang smuggling at iba pang katiwalian sa Customs.

‘Di matinag dahil kay mayor

Ibang klase itong si Jun Lontoc ng Las Piñas dahil kahit lantaran at nagkalat sa Las Piñas ang kanyang saklaan ay ‘di ito natitinag.

Palibhasa malakas daw kasi si Jun Lontoc kay Mayor Nene Aguilar kahit ilang beses nang pinipetisyon ang saklaan nito.

Malakas nga kaya?

Anomang reklamo o puna  ay i-text lang sa 0918927-4764, 09266719269 o i-email juandesabog @yahoo. com.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply