Snatcher hinabol ng biktima, huli

KULONG ang isang snatcher matapos habulin ng biktimang nakamotorsiklo na inagawan niya ng bracelet sa Caloocan City kahapon (Hunyo 25).

Nakilala ang suspek na si Mark Anthony Santiago, 18 ng San Jose, Navotas.

Base sa ulat, dakong alas-5:00 kahapon ng hapon, binabagtas ng biktimang si Desiree Llena, 36 ang Samson Road ng lungsod nang akmang tatawid ang suspek.

Nag-menor ang biktima subalit laking gulat niya nang biglang sunggaban ng suspek ang suot niyang  gintong bracelet at kumaripas ng takbo.

Sumisigaw na humabol ang biktima na narinig ng mga nakatambay na naging dahilan upang tumulong ang mga ito paghabol sa suspek.

Hindi na nakatakas ang suspek nang mapalibutan at nadakip subalit nawawala na ang bracelet ng biktima na nagkakahalaga ng P40,000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply