Solon kay PNoy: ‘K+12 bawiin’

IPINABABAWI ni Gabriela Rep. Emmie de Jesus ang pagpapatupad ng K+12 program ng Department of Education.

Iginiit ng mambabatas na mawawalan lamang ng saysay ang programa ng gobyerno at nagbibigay lang ito ng maling pag-asa sa mga estudyante at mga magulang.

Paliwanag ni De Jesus, wala pa ring matututunan ang mga estudyante kung kulang ang guro, classroom at mga pasilidad sa mga pampublikong eskwelahan sa buong bansa.

Pinuna rin ng kongresista ang aniya’y kawalan ng maayos na curriculum na tumutugma sa pangangailangan ng isang limang taong gulang na mga bata.

Dahil dito, hinamon ni De Jesus si Pangulong Aquino na itaas at dagdagan muna ang pondo o alokasyon sa edukasyon bago isulong ang K+12 program ng DepEd.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply