Solon naalarma sa pagtaas ng maternal deaths

PATULOY na nagbababala ang ilang mambabatas sa paglobo ng mga kababaihang namamatay sa panganganak habang nakabinbin ang Reproductive Health Bill.

Sa kaniyang pagbibigay linaw, sinabi ni Gabriela Women’s Partylist Rep. Luz Ilagan na hindi aborsyon o pagpatay sa mga sanggol habang nasa sinapupunan pa ang kahulugan ng RH bill kundi ito ay pagsasaprayoridad lamang sa tamang pagpapamilya, kalusugan ng mga ina at ng kanilang mga sanggol.

Binanggit ni Ilagan ang pinakahulung datos mula sa National Statistics Office (NSO) na nagsasabing 221 na ang naitalang maternal deaths noong 2010 kumpara noong 2006 na nasa 162 lamang.

Dapat aniyang maalarma na dito ang pamahalaan at bigyan ng tsansa ng mga kasamahan niyang kongresista ang nasabing panukala.

Nauna nang tiniyak ng liderato ng Kamara na sa pagbabalik ng sesyon sa Hulyo 23 ay kasama ang RH bill sa prayoridad na tatalakayin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply