Solon nangangamba na makapagpiyansa rin si GMA

NAGPAHAYAG ng pangamba si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na makapagpiyansa rin si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ay matapos mapayagang magpiyansa si dating Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos ng halagang P2.2 milyon upang pansamantalang makalaya.

Sina Abalos at Ginang Arroyo ay parehong nahaharap sa kasong electoral sabotage dahil sa umano’y naganap na dayaan noong 2007 elections.

Iginiit ni Colmenares, ang pagpipiyansa ni Abalos ay masamang senyales na posibleng mapagbigyan din ang petition for bail ng dating Pangulo.

Kung makapagpiyansa aniya si Gng. Arroyo ay madali na itong makalalabas ng bansa at hindi na bumalik para pagbayaran ang kaliwa’t kanang kasong hinaharap nito sa iba’t ibang korte.

Umaasa si Colmenares na makababawi pa dito ang prosecution para higit na mapabigat ang mga ebidensya laban kay dating Pangulong Arroyo at Abalos dahil kung hindi ay bungled case ang kalalabasan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply