Solons aapela sa WBO

AAPELA sa World Boxing Oganization (WBO) ang mga kongresista upang patawan ng parusa ang mga hurado na nagdeklarang talo si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa laban nito kay Timothy Bradley.

Kasunod ito ng resulta ng pagre-review ng WBO sa replay ng laban nina Pacquiao at Bradley na pumapabor sa pambansang kamao.

Sinabi ni Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrea-Dy na dapat na suspendihin ang mga judges at i-ban sa iba pang laban para na hindi na umabuso pa.

Tutol naman si Eastern Samar Rep. Ben Evardone na magpatawag ng rematch dahil wala umanong  basehan para muling maglaban ang dalawang boksingero.

Hihikayatin din niya si Pacquiao para umapela sa WBO na ibalik ang belt na para sana sa kanya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply