Solons hati sa reso ng Comelec ukol sa partylist

HATI ngayon ang mga partylist congressmen sa resolusyong ipinalabas ng Commission on Elections na i-raffle na lamang ang pagkakahanay ng partylist sa balota at hindi na alphabetical order.

Bagama’t sang-ayon sa resolusyong ito sina Reps. Angelo Palmones (AGHAM Partylist) at Rodante Marcoleta (ALAGAD Partylist) ay mas marami pa rin ang nagpahayag ng kanilang pagtutol.

“The resolution is fair and just. However the COMELEC should invest more in educating the voters on the partylist system so that no matter what listing order is adopted, the voter would still be guided on which party he should vote and why,” paliwanag ni Marcoleta.

Pabor din dito si Palmones sa pagsasabing matatalino na ang botante at ang pagpili sa partido ay ibinabase sa programa at adbokasiya.

“This is ok. It’s not important who gets the No. 1 slot in the listing because voters choose their partylist based on their advocacy and programs. More importantly, voters must choose a partylist that performs in Congress and not shameful member of the silent majority,” giit naman ni Palmones.

Subalit mahigpit ang pagtutol dito ni YACAP Partylist Rep. Carol Jane Lopez dahil bukod aniya sa nakalilito ay lalong mahihirapan dito ang mga botante partikular ang mga matatanda na at malalabo ang paningin.

Aniya kahit nasa dulo ang pangalan ng partylist kung alphabetically arrange ay madali na lamang itong makita.

Tutol din sa resolusyon si DIWA Partylist Rep. Emeline Aglipay sa pagsasabing “mas magiging mahirap para sa botante na hanapin ang partylist na gusto nilang iboto kung hindi alphabetical ang pagkakalista.

Ganito rin ang sentimiento ni CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna na tutol sa resolusyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply