SONA ni Pangulong Aquino may draft na

MAYROON ng draft ang gobyerno para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III na ihahayag nito sa Hunyo 23, 2012.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na kahapon ang taning na ibinigay sa kanila ni Pangulong Aquino para sa isumite ang kani-kanilang mga accomplishment reports.

“As our part experiences in the SONA it will remain a working progress until such time the president feels that it is in final form already,” anito.

Sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Secretary Ricky Carandang na ipinangako nila kay Pangulong Aquino na isisumite na nila rito ang kanilang first draft.

Inamin ni Carandang na mahaba ang paggawa ng SONA.

Gaya na lamang aniya noong nakaraang SONA ni Pangulong Aquino kung saan umabot sa 13 hanggang 14 na draft ang bago maisapinal.

Nakiusap naman ang opisyal na huwag i-preempt ang SONA ng Pangulong Aquino sa tanong kung ang nangyaring pagpapatalsik kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona ang isa sa highlight ng SONA ng Punong Ehekutibo.

“Pero normally when you report on what happened in the past year you report on the significant accomplishment so it is up to you to decide whether you feel that will be included. You can speculate about it if you want…maaga pwede magbago yan in my experience the final draft tends to look very different from the first draft. So let’s wait,” anito.

Samantala, wala namang ideya si Valte kung gagamitin ni Pangulong Aquino ang kanyang SONA sa paghahayag ng bagong Chief Justice gaya ng ginawa nito noong nakaraang taon kung saan ay inihayag niya ang susunod na Ombudsman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply