Speaker Belmonte pabor sa divorce bill

KUNG si House Speaker Feliciano Belmonte ang masusunod, mabibigyan na ng pansin ang  pagpasa ng  divorce bill, na matagal ng nabibin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, sa muling pagbabalik ng sesyon.

Ayon kay Belmonte, isa ang divorce bill sa mga panukala  na nais niyang maipasa sa kanyang liderato kabilang na dito ang Reproductive Bill at Freedom of Information Bill (FOI) na pawang mga kontrobersyal na panukala na nakabinbin sa 15th regular sesyon na katatapos lamang o sine die adjournment noong  Miyerkules ng gabi.

Sa panig naman ni House Majority Floorleader at Mandaluyong Rep. Neptali Gonzalez ay tila, aniyang,  mahirap na pagsabayin ang dalawang panukala partikular ang RH at divorce bill na labag sa Simbahang  Katoliko.

“Parang mahirap makipag-away sa simbahan” ani Gonzales.

Bago mag-adjourn ang sesyon ay ipinasa sa Kamara ang isa ring kontrobersyal na bill- ang Sin tax bill.

Simula sa unang regular na sesyon, may kabuuang 3,387 bills at resolutions para malampasan nito ang record na 27 measures per session sa 128 session days, o 38% sa lahat ng panukala na inihain sa 15th Congress – ang pinakamataas na performance rate buhat ng mag-umpisa ang Congress noong 1987. Inaprubahan din ang sin tax reform.

Sa ulat ng House secretariat may kabuuang 253 ang panukalang ipinasa na may kaugnayan sa interes ng bansa, 16 dito ang naisabatas na at nakatakdang lagdaan ng Pangulo at ang iba naman ay nakabinbin sa Senado.

Inaprubahan din ang 556 local bills at 1,458 resolutions, 1,180 na resolusyon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply