Special election sa Simura, CamSur nagpapatuloy ngayon

NAGPAPATULOY ngayong araw ang isinasagawang special election ng Commission on Elections sa bayan ng Simura, Camarines Sur.

Ayon sa Comelec, umaasa silang magiging mapayapa at mabilis ang special election sa lugar na nagsimula kaninang alas-7:00 ng umaga.

Nabatid na pagbobotohan ng may 723 registered voters sa lugar, sina Sandy Ondis at Nonito Vier bilang mayor ng naturang bayan.

Simabi ni Atty. Noriel Badiola ng Comelec, mula sa naturang bilang ng registered voters ay posibleng  hindi aabot sa 100 porsiyento ang makakaboto kaya ilang oras lamang ang gugulin sa eleksyon.

Isinagawa ang special election kaugnay pa rin sa May 2010 election kung saan mahigit 200 balota ang nawala sa apat na presinto.

Unang itinakda noong Marso 10  ang nasabing special election subalit ipinagpaliban dahil sa umano’y ilang armadong grupong umaaligid sa lugar.

Umaasa naman ang Comelec na mailalabas agad ang mapalad na mananalo bilang alkalde ng bayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply