Stags at Knights maghaharap agad sa NCAA

UMPISA na ang giyera sa collegiate basketball sa pagbubukas ng 88th season ng NCAA bukas ng hapon na gaganapin sa Smart-Araneta Coliseum.

Banggaan agad sa unang sultada sa ganap na 5:00 ng hapon ang hosts na Letran Knights at ang last year’s runner-up San Sebastian College Stags.

Muling sasandalan ng Knights ang kanilang ace guard na si Kevin Alas upang malampasan ang Final 4 appearance nila noong nakaraang season.

Subalit alam ng Knights na dadaan sila sa butas ng karayom kontra 2011 Philippine Collegiate Champions League (PCCL) Stags.

Ibabandera ng Stags sina reigning NCAA MVP Calvin Abueva at star center Ian Sangalang.

Magsasalpukan naman sa second game sa ganap na 7:00 ng gabi ang Jose Rizal University Heavy Bombers at Mapua Cardinals.

Samantala, sa presscon na ginanap nitong Miyerkules sa Gateway sa Cubao ay magiging mahigpitan ang labanan sa season na ito dahil maraming bagong players ang nagsipagsulputan sa bawat teams ayon sa mga coach ng bawat koponan.

“May mga bagong players ang hindi naglaro sa preseason kaya medyo nahirapan kami mag-scout kaya asahan na kapaan ito.” sabi ni Saint Benilde Blazers coach Richard Del Rosario.

Umayon naman si Knights coach Louie Alas na talagang kulang sila sa scouting reports.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply