‘Stalker’ tinutugis ng pulis Paranaque

NAGSASAGAWA ng manhunt operation ang pulisya laban sa hinihinalang “stalker” ng isang magandang ginang pati na ang mga kabarkada nito makaraang pagtulungan nilang sasaksakin ang kalive-in ng babae matapos ang ginawang paninita ng biktima sa malisyosong pagsulyap sa kinakasama kamakalawa ng gabi sa Paranaque City.

Ino-obserbahan pa sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Albert Guzman, 33, sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa katawan habang inaalam na ng pulisya ang lugar na pinagtataguan ng mga suspect.

Sa imbestigasyon ni PO3 Joel Romantico ng Investigation Division ng Paranaque police, kararating lamang sa kanilang inuupahang apartment sa 10 Casalia Building Aguarra Extension, Baclaran dakong alas-8:30 ng gabi ang magkarelasyon nang mapansin ng biktima ang malisyosong tingin ng suspect sa kanyang kinakasamang si Shine Guzman.

Sinita umano ng biktima ang suspect na nauwi sa mainitang komprontasyon. Inawat naman ni Shine ang kinakasama kaya’t umalis na ang suspect subalit nang makitang lumabas ng apartment ang babae, tinawag nito ang mga kabarkada at pinasok nila sa loob ng apartment si Guzman at pinagtulungang pagsasaksakin.

Nasalubong pa umano ni Shine ang mga suspect na nagmamadalaing lumabas ng kanilang apartment hanggang sa nakita niya ang kinakasama na duguang nakahandusay sanhi ng tama ng saksak sa parte ng katawan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply