State of Calamity, idineklara sa Sarangani province

IDINEKLARA na ngayong araw (Hunyo 13) ang state of calamity sa congressional district ni boxing icon Manny Pacquioa sa  Sarangani province matapos rumagasa ang malalaking alon at pagbaha na nagdulot ng malawakang debastasyon sa lugar.

Sinabi ni Sarangani Mayor Victor James Yap na ang matinding pagbuhos ng ulan ay naapektuhan ang may tinatayang 600 pamilya sa 5 barangay. Nauna nang sinabi ng weather forecasters na ang inclement weather ay dala ng monsoon rains.

Sinabi ng disaster officials na ang pagbaha ay nag-iwan na ng 2 patay at may 162 na kabahayan sa Glan, Sarangani ang nasira na nito. Kinilala ang mga namatay na si Rolando Mata, 40 at si Degapo Cabigting, 63-anyos, isang magsasaka.

Ayon sa mangingisdang si Dante San Juan namatay si Mata nang lamunin ng malalaking alon ang kanyang sinasakyang fishing boat habang si CAbigting naman ay tinangay ng rumaragsang baha.

Sa Barangay Big Margus, baha na may halong tubig ang rumagasa kaya karamiahan sa mga residente rito ay nagsilikas para pumunta sa mas mataas na lugar.

Isang residente na si Marcosa Curay, ang napaiyak na lamang nang muntik nang tangayin ng alon ang kanyang apo sa kasagsagan ng pagbaha.

Dalawang tulay, ang Small Margus at Pangyan bridges, ay parsyal na nasira habang hindi pa rin naibabaik ang suplay ng kuryente sa nasabing lugar.

Si Pacquiao, na nahalal na congressman sa Sarangani noong 2010, ay nasa Estados Unidos pa at hindi pa nakababalik sa bansa matapos ang kanyaang laban sa Las Vegas, Nevada.

Natalo via split decision si Pacquiao laban sa walang talong si Timohty Bradley ng USA kaya naagaw sa kanya ang World Boxing Organization welterweight title belt nitong nakaraang Linggo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply