State visit sa UK papogi points lang– CBCP

GAGAMITIN lamang umanong ‘papogi points’ ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa kanyang nalalapit na State of the Nation Address ang state visit niya sa United Kingdom at Estados Unidos.

Ito ang paniniwala ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ayon kay Cruz, lumang style na ito ng mga nagdaang Pangulo ng bansa na nagtutungo sa abroad at pagbalik ng bansa ay ipagyayabang ang nakuhang foreign investments.

Gayunman, sinabi ni Cruz na ang nakukuhang foreign investment ng mga nagdaang Pangulo maging si Pangulong Aquino ay mga “bulong lamang sa hangin” o mga pangako sa hangin.

Sinabi pa nito na natitiyak niyang isasama ni Pangulong Aquino sa kanyang SONA ang mga biyahe niya sa abroad upang ‘bolahin’ ang taumbayan na may mga dayuhan ang nagnanais na maglagak ng negosyo sa bansa subalit sa tunay na buhay ay nananatiling gutom ang maraming Filipino.

Kaugnay nito, hinimok ni Cruz ang Pangulo na sa halip na maghanap ng mga dayuhang mamumuhunan ay pagtuunan na lang ng pansin ang pagpapatatag sa sektor ng agrikultura, paglikha ng trabaho at paglansag sa katiwalian sa lahat ng sangay ng pamahalaan para maibsan ang nararanasang kahirapan at kawalan ng trabaho ng mga Pilipino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply