Estudyante sinaksak sa campus, nasibak pa

PINAIIMBESTIGAHAN ngayon ni Manila Mayor Alfredo Lim ang kaso ng ng estudyante ng Araullo High School sa Maynila na sinaksak na sa loob ng campus ng kapwa niya estudyante ay nasibak pa sa paaralan.

Sa paglilibot ni Lim sa Ospital ng Maynila upang ayudahan ang mga pasyente ay nakilala ng alkalde si Gladpoal Dulay, 14-anyos at estudyante ng nasabing paaralan.

Si Dulay ay nagtamo ng isang saksak sa katawan at kasalukuyang inoobserbahan sa nasabing pagamutan.

Sa pahayag ng biktima, noong tanghali ng Hunyo 25,2012, habang nagpapahinga siya malapit sa canteen na katabi lamang umano ng guidance counselor’s office ay sinugod siya at sinaksak ng suspek na itinago sa pangalang “Buriboit,” 14-anyos.

Ayon pa kay Dulay, napagbalingan lamang siya ng suspek dahil ang tunay na kaaway umano nito ay ang kanyang mga kasama.

Hindi naman umano nagpabaya ang pamunuan ng eskuwelahan, dahil agad namang nadakip ang suspek pero napag-alaman na hindi naman maaring sampahan ng kasong kriminal dahil menor de edad kaya ipinakustodiya na lamang sa Manila-Department of Social Welfare.

Gayunman, ang ipinagtataka ni Cornelio Dulay, ama ng biktima kung bakit nagpasiya umano ang principal ng eskwelahan na patalsikin ang kanyang anak gayung nagpabaya ang guwardiya ng paaralan dahil naipasok ng isang estudyante ang patalim na ginamit sa pananaksak.

Nanawagan din ang kapatid ng biktima na si Glendalyn Dulay, 16, 3rd year HS sa nasabing paaralan. “Sana po Mayor Lim, tulungan niyo kami na makabalik na lang sa pag-aaral ang kapatid ko kasi sabi ng principal na kicked-out na siya.” ani Glendalyn.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply