Stude nagpatiwakal sa harap ng ina

NAGPATIWAKAL sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili sa harap mismo ng kanyang ina ang  isang high school student sa Eastern Samar.

Nabatid na tatawagin na sana ng ina ang 15-anyos na anak nang bigla itong bumunot ng itak at isinaksak sa kanyang kaliwang dibdib na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Base sa pahayag ng ina, matagal na umanong parang nasisiraan ng bait ang kanyang anak kung saan palagi nitong sinasabing siya ay aakyat na sa langit.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa mabatid ng pamilya ng biktima kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay nito.

Nagluluksa naman ang Lawaan National High School-Eastern Samar kung saan nag-aaral ang biktima sa kanilang unang araw ng pagbubukas ng klase.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply