Stude patay, 5 sugatan sa bumaligtad na dyip

DEAD on the spot ang isang estudyante habang sugatan naman ang limang iba pa matapos bumaligtad ang sinasakyan nilang dyip habang papasok sa eskwelahan sa Negros Occidental.

Ayon sa ulat  ng Negros PNP, patay ang 15-anyos na si Jeffrey Paz, estudyante ng Magonbon High School makaraang tumilapon matapos bumaligtad ang jeep.

Samantala, kritikal din ang isa pang estudyanteng na kinilalang si Benjie Ardiente na kasalukuyang inoobserbahan pa sa ospital.

Ginagamot na rin ang iba pang sugatan kabilang na ang principal na si Jocelyn Sumihilig at mga guro na sina Gerlinda De Ocampo, Josephine Sandag at Eva Benlot na isang buntis.

Hawak na ng mga pulis ang drayber ng jeep na si Michael Baraquia.

Ayon sa drayber mahuhulog sa bangin ang dyip kaya kinabig niya ito pakaliwa na naging dahilan nang pagbaligtad nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply