Stude pinaslang sa loob ng paaralan sa Dagupan

NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang Dagupan PNP makaraang paslangin ang isang 14-anyos na estudyante sa mismong loob ng isang paaralan sa lungsod.

Kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek na pumatay sa biktimang si Madelyn Guyena, 2nd year high school sana ngayong pasukan sa Dagupan City National High School (DCNHS), taga-Sitio Palaris, Brgy. Malued, Dagupan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagtamo ang biktima ng mahigit 20 saksak sa harapang bahagi ng kanyang katawan at pinukpok pa ng malaking tipak ng bato kung kaya na-deform ang kanyang mukha.

Nabatid pa na sa mismong likod ng DCNHS natagpuan ang katawan ng biktima dalawang oras matapos itong makitang nakikipag-usap sa isang lalaki na hinihinalang nobyo nito o kakilala kasama ang tatlo pang kalalakihan.

Nakuha sa pinangyarihan ang isang bladed weapon na siyang sinasabing ginamit sa pagpaslang sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply