STUPID K+12

STUPID talaga ang DepEd. Dahil sa America at sa Europa ay may K+12, dapat ay may K+12 din daw tayo. To quote Miriam, ka-gaguhan yan.

Sa mga bansang may K+12, kumpleto ang kanilang mga silid aralan. Kumpleto rin ang kanilang teaching aids. At lalo rin silang kumpleto sa dami ng teacher at sapat ang kanilang suweldo.

Eh dito sa atin, lagi na lang kulang ang mga classroom. Sira-sira pa. Ginagawa pang refugee at evacuation center.

At ang public school teachers ay nakabaon sa utang dahil delayed o kaya ay insufficient ang kanilang salary.

Mukhang ang makikinabang lamang sa K-12 ng DepEd ay ang mga publisher dahil lalong mas maraming libro ngayon ang kaila-ngan ng DepEd para sa mga estud-yante.

At syempre, kasama na rin sa gastos ang mga chalk, black-board, bentilador, silya, mesa at iba pang mga kagamitang kailangan ng isang matinong paaralan.

Sana naman ay bago magpa-tupad ng K+12 ay alamin muna kung may mga facility tayo para sa mga estudyante.

Hanggang ngayon, for exam-ple, marami pang mga bata na under the mango tree lamang ang kanilang classroom.

Mahigit kumulang na 21 million ang mga batang pumasok na uli sa school last Monday pero ano ang kanilang dinatnan? Giba-gi-bang paaralan at salat pa sa ka-gamitan, lalo na sa aklat.

According to Raul Constantino, media liaison officer of the Teachers’ Dignity Coalition (TDC), there are 21.76 million students expected to go to 45,927 public schools from kindergarten to fourth year high school.

Panahon na upang ma-resolve na ang perennial problem ng lack of classrooms, kasama na ang mga toilet facilities.

Ang sabi ng Alliance of Concerned Citizens (ACT, “there is no law yet authorizing the implementation of the full K to 12 edu-cation program. The curriculum is not yet ready. Funds are insufficient to cover the basic inputs such as shortages on teachers, class-rooms, textbooks, chairs and sa-nitation facilities.”

Binanatan din ng ACT ang “haphazard implementation” ng Phase 2 ng K to 12 education prog-ram dahil ito ay magdudulot lamang ng chaos.

Pero ano ang sabi ng DepEd? Dehins daw at baka sa year 2018  ay ma-solve na lahat ang mga problemang ito.

Maawa naman kayo sa mga bata at sa mga magulang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply