Suarez binuweltahan ng Malacañang

BINASURA ng Malakanyang ang opinyon ni  House Minority Leader Danilo Suarez na magreresulta ng negatibong epekto sa mga kandidato ni Pangulong Aquino sa ilalim ng Liberal Party sa 2013 elections ang mababang satisfaction rating ng Punong Ehekutibo.

“If Congressman Suarez will think, I hope he is not persuaded to think that our President’s endorsement power is weak. He is making a big mistake,” buwelta ni Sec. Lacierda.

Sa ulat, sinabi ni Cong. Suarez na kinakailangang pagsikapan pa lalo ni Pangulong Aquino na mapabuti ang kanyang satisfaction ratings kung nais niyang magtagumpay ang mga kandidato ng ruling Liberal Party (LP) sa eleksyon 2013.

“There should be good indicators after his third SONA [State of the Nation Address] next month. Kung hindi magagawa ito at hindi magpipick-up before the elections, malaki talaga ang magiging epekto nito sa mga kandidato nila,” ayon kay Cong. Suarez.

Pinamumunuan ni Aquino ang LP, kung saan patuloy na nagpapakita ng lackluster performance sa popularity surverys nitong mga nakaraang buwan ang kanilang mga potensyal na senatorial candidates para sa eleksyon 2013.

Ayon kay Suarez, dapat lalo pang labanan ng Pangulo ang poverty at hunger sa bansa, lalo na sa Metro Manila.

“Ito [Metro Manila] ang nakakareceive ng impact. Ito ‘yung unang tinatamaan. I think unemployment and hunger are the main catalysts for this drop,” aniya.

Nitong Lunes, lumabas ang resulta sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong nakaraang buwan kung saan makikita ang tuluyang pagbaba ng ratings ni Aquino. Mula sa +49 na rating noong Marso, naging +42 na lamang ito nitong Mayo.

Lubos na bumaba ang ratings ni Aquino sa Metro Manila, kung saan, mula sa +52 niyang marka noong Marso, naging +18 na lamang ito nitong Mayo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply