Sugal kay Pacquiao matindi

ANG sabi ng iba, kinalimutan na ni aydul Manny Pacquiao ang sugal.

Ang natitira na lang na sugal sa kanya ay ipusta ang sarili sa kamatayan para magkapera lamang.

Kamatayan dahil nakamamatay naman talaga ang boksing, noh.

Por eksampol dito ang nasa dalawa nang lahi ni Juan na namatay sa kaboboksing.

Marso 31, 2007 nang lumaban kay Chatchai Sasakul si Angelito Sisnorio bilang flyweight sa Thailand.

Napagtatamaan ang ulo ni Sisnorio, bumagsak siya sa lona at itinakbo sa ospital.

Naoperahan naman siya ngunit kinabukasan, nalagutan na rin siya ng hininga.

Makaraan namang mag-kolaps si Karlo Maquinto matapos ang tabla nitong laban kay Mark Joseph Costa sa Caloocan City noong Enero 28, 2012, tuluyan na siyang namatay noong Pebrero 3 o isang linggo makaraan.

oOo

Pero alam ba ninyo ang nagaganap kahit umayaw na umano si aydul Manny sa sugal?

Pinagsusugalan pa rin siya. Ang lalaki nga ang mga pustahan.

Iba’t ibang istayl pa ang pustahan dito.

Por eksampol, Pacquiao vs Bradley. May pumupusta kay Pacquiao, meron naman kay Bradley.

‘Yung iba, pumupusta sa panalo nina Pacquiao at Bradley kada round.

Mahal ang pustahan sa panalo-talo sa bawat round.

Pero mas mahal ang pustahan kapag lumipas ang round na dapat sana ay may panalo o talo.

Iba rin ang pustahan sa nakawt, teknikal nakawt, panalo sa puntos, dro at  dinayang panalo-talo.

Ganyan katindi ang pasugal kay Pacquiao, Suki.

Pero may iba ring pumupusta sa pulitika.

May mga opisyal ng gobyerno na pumupusta ng malaki nang pabalimbing o streyt na Pacquiao kaya.

‘Yung iba, pumupusta kay Pacquiao para meron umano itong panggastos sa mga proyekto sa kanilang lugar.

Kayo, Suki, nagsusugal ba kayo sa laban ni aydul?

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply