Sugalan sa Cubao at ‘anti-balimbing bill’

NAGKUKUMAHOG ang mga kaalyado ni PNoy sa Senado na maipasa ang isang batas na mapanlinlang sa taumbayan, ang “anti balimbing bill” na makatutulong umano sa ating bansa, pero sa totoo lang, ito ay panghuthot sa kaban ng bayan.

Sa panukala ni Sen. Franklin Drilon, bawal na ang balimbing sa mga politiko. Ibig sabihin hindi na sila pwedeng magpalundag-lundag ng partido.

‘Ika nga, “no return no exchange!” Kung lilipat sila ay dapat bayaran ang lahat ng campaign funds na naibigay sa kanila ng partido.

Ito pa ang malupit, parekoy, ang gobyerno ang magbibigay ng pondo sa bawat partido bilang campaign fund nila tuwing election!

Ibig sabihin, gobyerno ang gagastos para mailuklok sa poder ang mga walanghiya at kapag nakaupo na ay walang gagawin kundi kulimbatin ang pera ng pamahalaan! Letse!!!

Kapag para sa edukasyon, kalusugan, peace and order, national defense at mahahalagang proyekto na makatutulong para maiahon sa kahirapan ang taumbayan ay walang pondo!

Pero itong pesteng panukala ni Drilon ay paghahandaan ng sangkatutak na pera!

Ganyan kawalang malasakit sa atin itong ating gobyerno!

Ano kaya Sen. Drilon kung atupagin muna ninyo ang pagpirma ng “waiver” sa inyong bank accounts?

-o0o-

Sugalan sa Cubao

Kampante at lantaran talaga itong “pwesto pijo” nina Alex at Joel sa erya ng Cubao at Novaliches, Quezon City dahil nakapatong umano sila sa mga hepe ng Stn. 4 at 7 ng QCPD.

Sa Cubao ay “malakasan” ang sugalan ni Joel sa West Point, samantalang sa Pinatubo naman ang kay Alex at may extension pa ito sa Novaliches.

Ito ang magandang isampol ni NCRPO Director Alan Purisima, dahil ayon sa “one strike policy,” kung dalawang Station Commander ang masisibak dahil sa sugal ay tiyak na gugulong din ang ulo ng Director.

Delikado, parekoy, si QCPD Dir. Mario dela Vega!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply