‘Suhol’ sa senator-judges, itinanggi ng M’cañang

PINALAGAN ng Malakanyang ang alegasyon ni Senador Miriam Defensor-Santiago na pork barrel ang kapalit ng mga boto ng mga senator-judge sa impeachment trial na pumabor para patalsikin si dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na kung totoo ang alegasyon ng senadora ay hindi nito dapat i-itsapwera ang kanyang sarili dahil nakatanggap din naman siya ng pork barrel base sa records ng Department of Budget and Management.

Bukod dito, mababaw na dahilan, aniya, ang “suhol” na pork barrel dahil limang buwan ang hinintay ng mga senator-judges para matuldukan ang impeachment trial laban kay Corona.

Kung may katotohanan man ang rebelasyon ni Sen. Santiago ay hindi na sana naghintay ang Palasyo ng impeachment trial para ipagkait ang pork barrel ng mga senador.

Nauna nang sinabi ni Sen. Santiago na may kapalit umanong pork barrel funds ang boto ng mga senador na bumoto para matanggal sa posisyon si Corona.

Sa ulat, ang mga senator-judge na humatol ng guilty laban kay Corona na nakatanggap ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel funds mula sa Department of Budget and Management (DBM) ay sina Senador Angara ay P25,000,000 milyon para sa taong 2012 na inilabas noong Mayo 8; Allan Peter Cayetano, P57,000,000 milyon (2011) na inilabas naman noong Pebrero 17; Pia Cayetano, P124,431,901milyon (2011) at P63,700,000 milyon (2012) na may kabuuang P188,131,902 milyon na inilabas noong Mayo 7; Franklin Drilon, P72,600,000 milyon (2011)  na inilabas noong Mayo 22; Jinggoy Ejercito-Estrada, P100,000,000 milyon (2012) na inilabas noong Mayo 17; Juan Ponce Enrile, P4,000,000 milyon (2011) at P100,000,000 milyon (2012) na may kabuuang P104,000,000 milyon na inilabas noong Mayo 11; Francis Escudero, P1,000,000 milyon (2011) at P96,000,000 milyon (2012) na may kabuuang PP97,000,000 milyon  na inilabas noong Mayo 8; Teofisto Guingona III, P37,000,000 milyon (2011) na inilabas noong Marso 7 at Gregorio Honasan, P100,000,000 milyon (2012) na inilabas naman noong Abril 23.

Ang iba pang senator-judges na nakatanggap na rin ng kanilang pork barrel funds ay sina Senador Manuel Lapid, P100,000,000 milyon (2012)  na inilabas noong Mayo 8; Loren Legarda, P10,600,000 milyon (2011) na inilabas noong Mayo 11; Sergio Osmena III, P2,300,000 milyon (2011) na inilabas noong  Marso 28; Francis Pangilinan, P29,500,000 milyon (2011) na inilabas noong Marso 30; Aquilino Pimentel III, P59,000,000 milyon (2011) na inilabas noong Marso 20; Ramon Revilla Jr., P86,000,000 milyon (2012) na inilabas noong Mayo 7; Vicente Sotto III, P100,000,000 (2012) na inilabas noong Mayo 22; Antonio Trillanes IV, P10,018,510 milyon (2011) na inilabas noong Abril 18 at Manuel Villar Jr., P50,000,000 milyon (2012) na inilabas noong Mayo 18. Walang request na PDAF si Senador Panfilo Lacson para sa taong 2011 at 2012.

Ang mga senator-judges na bumoto naman ng acquit pabor kay Corona ay sina Joker Arroyo na walang request na pork barrel funds; Ferdinand Marcos Jr., P15, 280,000 milyon (2012) na inilabas noong Mayo 3 at Miriam Defensor-Santiago, P80,000,000 milyon (2012) na inilabas noong Mayo 31.

Sa  kabuuan, ang PDAF o pork barrel funds para sa dalawang magkasunod na taon ng mga senador ay umabot sa P1,323,430,412 bilyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply