Sulaiman susi sa Pacquiao-Mayweather fight

NANGAKO ang pangulo ng World Boxing Council Don Jose Sulaiman upang matuloy ang megabuck fight sa pagitan ng “Fighter of the Decade” Manny Pacquiao at undefeated Floyd Mayweather Jr.

Nang malamang gustong makasagupa ni Pacquiao si Mayweather Jr., na matagal nang gusto ng buong mundo na mapanood, sinabi ng WBC president na,  “Take it for sure that I will do my best as this is the top fight the world wants to see.”

Si Sulaiman na matagal nang supporter at tagahanga ni Pacquiao kung saan ang unang world title fight ng boxing icon ay ang WBC flyweight title mula sa isang sensational 8th round knockout kay Thai hero Chatchai Sasakul noong Disyembre 3, 1998, aniya,  “Mayweather respects the organization and is a friend. So are some of his representatives.”

Gayunman, tatlong kalaban pa rin ang pagpipilian ni Pacquiao sa harap ni Arum bilang magiging laban nito sa Nobyembre.

Dalawa pa sa posibleng maging opponents ni Pacquiao ay sina Juan Manuel Marquez at Miguel Cotto kung saan tinalo sa 12th round TKO ni Pacquiao bunga ng dalawang pagbagsak nito.

Gayunman, naging solido ang performance ni Cotto nang  sumagupa kay Mayweather Jr., na natalo lang sa 12 round unanimous decision.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply