Sumabog na granada target si tserman

NANINIWALA ang isang punong barangay at ang ilang tanod na sila ang puntirya ng pinasabog na granada sa Quiapo, Maynila kagabi (Hunyo 26).

Bagama’t wala namang nasugatan, naniniwala si Brgy Chairman Suharto Buleg ng Brgy 647 Zone 67 na pakana ng mga holdaper na nauna nilang naaresto dahil sa panghoholdap ang isinagawang pagpapasabog ng isang granada.

Batay sa ulat ni Chief Insp. Arnold Santos, hepe ng Manila Police District (MPD)-Explosive Ordnance Division (EOD), dakong 10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng San Agustin at Carlos Palanca Sr., sts., sa Quiapo.

Nauna rito, naglalaro ng basketball sina Chairman Buleg at ilang barangay kagawad nito sa isang basketball court malapit sa nasabing lugar nang may narinig silang malakas na pagsabog.

Sa imbestigasyon ng pulisya, wala mang nasugatan sa pagsabog ay nabutas naman ang linya ng tubig at ilang parte ng nakaparadang motorsiklo.

Napag-alaman sa report ng MPD-EOD, isang MK2 fragmentation hand grenade ang ginamit sa pagpapasabog.

Sa panayam kay Chairman Buleg, hinala nito na ang kanilang mga naarestong holdaper ang kanilang suspek sa pagpapasabog upang takutin sila matapos na una silang nagbanta sa kanyang mga tanod na “may paglalagyan” umano sila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply