Sundalo itinumba habang namamalengke

DEAD on the spot ang isang sundalo matapos pagbabarilin ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Camindangan, Sipalay City, Negros Occidental habang patungo sa palengke, kahapon ng umaga, sa ulat ng militar.

Ayon kay Major Gil Ileto, tagapagsalita ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, namamalengke lamang ang biktimang si Private First Class John Ilisan ng 47th Infantry Battalion at hindi armado nang atakehin ng mga rebelde.

Nabatid na miyembro ng Peace and Development Team ang biktima na nagsisilbing tagapamagitan ng mga magsasaka at ahensya ng pamahalaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply