Sundalo, kidnapper patay, 2 sugatan

KORONADAL CITY – Patay ang isang sundalo at hinihinalang kidnapper, habang sugatan naman ang isang negosyante at anak nito sa naganap na bigong kidnapping sa North Upi, Maguindanao.

Sa report, kinilala ang sundalong namatay na si Pfc. Rey Enerio, tumatayong security escort ng negosyante na Justina Pari-an. Sugatan naman ang naturang negosyante at anak nitong si Rona.

Ayon sa impormasyon, sakay umano ang mag-ina patungo sa sentro ng bayan sakay sa kanilang sasakyan nang bigla na lamang pinahinto ang mga ito ng mga suspek sa Cotabato-Upi highway.

Nang makita na may bitbit na baril ang sundalo, agad itong binaril na naging sanhi ng agarang kamatayan ni Enerio at pagkasugat naman ng mag-inang Pari-an.

Dinala pa ng mga kidnappers ang negosyante subalit napilitan silang iwan ito matapos maging sagabal sa kanilang pagtakas dahil sa kanyang sugat.

Napatay naman ng mga rumespondeng otoridad ang isa sa mga suspek na hindi pa rin nakikilala.

Sa ngayon, ginagamot na sa ospital ang mga sugatang biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply