Supreme Court naghigpit sa media

NAGHIGPIT ngayon sa media ang Korte Suprema sa ilalim ng pamumuno ng acting Chief Justice Antonio Carpio.

Sa coverage ng mga mamamahayag na kumokober sa sangay ng hudikatura, binawalan nang pumasok ang media sa bisinidad ng Kataas-taasang Hukuman.

Sa unang araw ng pagpupulong ng Judicial and Bar Council (JBC) ang media ay inatasan na manatili sa SC quadrangle at mahigpit na binawalan na magpakalat-kalat o lumibot sa ilang tanggapan ng mataas na hukuman.

Makakapasok lamang sa Korte Suprema ang isang mamamahayag subalit kailangang may nakakabit na color coded sticker sa kanyang katawan upang makatiyak na hindi magtutungo sa ibang tanggapan o lugar ng SC.

Nilinaw naman ni Atty Gleoresty Guerra na wala silang pinaiiral na bagong security policy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply